Pantabangan
Lyrics: Godofredo V. Uera, Sr.

Sa dibdib ng bundok
May isang bayan
Bayang sagana
Sa kalikasan.

Sa kanyang gubat
At kaparangan
Ang simoy ng hangin
Ay laging dalisay.

Iyan ang bayan ko
Bayang minamahal
Bayang sagana/dakila
O, Pantabangan.

Ang mga tanawin
Handog ng kalikasan
Ay walang katulad
Sa sandaigdigan.

Liko-likong ilog
Tubig na malinaw
Bukiring malawak
Pag-asa ng bayan.

Pinagsasadya ng mga dayuhan
Bayang pangarap
O, Pantabangan.